Lola, buong tapang na nailigtas ang isang koala sa nasusunog na talahiban

Lola, buong tapang na nailigtas ang isang koala sa nasusunog na talahiban

- Viral ang video kung saan ang isang babae ay buong tapang na iniligtas ang isang koala na nawawala mula sa nasusunog na talahiban

- Narinig daw nito ang iyak ng koala na humihingi ng tulong dahil bahagya nang natupok ng apoy ang kanyang katawan

- Nagawa pa niyang tanggalin ang mismong suot na damit upang maibalot sa koala

- Agad din niya itong binuhusan ng tubig upang maibsan ang init ng katawan ng kawawang hayup

- Nasa maayos nang kalagayan ang koala at binisita pa muli ito ng lola na tinaguriang 'hero' ng koala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatunaw ng puso ang video ng pagliligtas ng isang lola sa koala na mula sa nasusunog na talahiban sa Australia.

Nakilala ang 'bayani' ng koala na si Toni Doherty na buong tapang na dinampot ang umiiyak na hayop at bahagyang nahagip ng apoy.

Nalaman ng KAMI na nag-iiyak ang koala nang kanilang madaanan at kapansin-pansin ang pagka-balisa nito.

Di nagdalawang isip na tanggalin ng lola ang kanyang pang-itaas na damit para lamang maibalot sa kaawa-awang hayop.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad niya rin itong binuhusan ng tubig upang maibsan ang init nito sa katawan.

Nasagip ang koala at agad na nalapatan ng lunas sa Port Macquarie Koala Hospital.

Nang binisita muli ito ni Doherty, maayos na ang kalagayan ng koala na nagagawa na muling kumain.

Napag-alamang 14 taong gulang na ang koala na pinangalanan nilang "Lewis".

Patuloy na nagpapagaling si Lewis habang nasa 350 naman ang mga hayup na pumanaw dahil sa sunog.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel