Batang tinaningan ng 2 taon lang, buong bayan ang nagdiwang para sa kanyang 3rd birthday

Batang tinaningan ng 2 taon lang, buong bayan ang nagdiwang para sa kanyang 3rd birthday

- Mayroong neuromuscular disease o mas kilala sa tawag na SMARD ang batang si Nash at tinaningan na siya ng mga doktor na hanggang dalawang taon lamang

- Inaasahan kasing manghihina ang mga kalamnan na magiging sanhi raw ng di nito paghinga

- Ngunit himalang lumalakas ang bata at nagdiwang ng ikatlong kaarawan niya

- Kaya naman buong bayan nila ang nakisaya sa pamilya ni Nash at umaasang hahaba pa ang kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng batang si Nash na mayroong neuromuscular disease o mas kilala sa tawag na SMARD.

Ayon sa ulat ni Maddie Capron and Christina Zdanowicz ng CNN, isa raw itong kakaibang karamdaman kung saan manghihina ang mga muscles ng isang sanggol dahilan para magkaroon ng ibang komplikasyon gaya ng hirap sa paghinga.

Dahil dito, malungkot na sinabi ng mga doktor na di na raw tatagal ang buhay ni Nash.

Inaasahang hanggang dalawang taon lamang ang itinatagal ng mga batang may ganitong karamdaman.

Ngunit kamakailan lamang ay nakipagdiwang ang buong bayan sa Chicago nang sumapit ang ikatlong kaarawan ni Nash.

Batang tinaningan ng 2 taon lang, buong bayan ang nagdiwang para sa kanyang 3rd birthday

source: Smash SMARD
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasa isang daan na mga truck at jeep ang pumarada bilang pagdiriwang sa kaarawan ng bata, na nadagdagan pa ng isang taon ang buhay.

Di nila talaga ito inaasahan lalo pa at pitong buwan na nasa ospital si Nash.

Ngayon, makikita sa larawan na tila isang milagro ang nangyari sa bata na masaya at masigla sa kanyang kaarawan.

Malaking bagay din daw kasi ang mga tumulong kay Nash sa pamamagitan ng nonprofit organization na binuo ng ina ni Nash na si Brittany Stineman.

Nakalikom na ang samahang ito na tinawag na Smash SMARD ng nasa $2 million.

Umaasa ang lahat na patuloy nang gumaling si Nash at makita pa muli nila ang mga ngiti ng bata na bakas ang labis na kasiyahan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel