Grade 5 student, buong tapang na nag-apply ng trabaho pantustos daw ng kanyang pag-aaral

Grade 5 student, buong tapang na nag-apply ng trabaho pantustos daw ng kanyang pag-aaral

- Nag-viral ang post tungkol sa Grade 5 na estudyanteng naglakas-loob na mag-apply ng trabaho

- Kailangan daw kasi niya ng pera para sa kanyang project sa eskwela

- Nagprisinta ito na maging tagalinis sa opisina kapalit ng pantustos niya sa gastusin sa paaralan

- Dala ng awa sa bata, binigay na lamang ng opisina ang kailangang halaga ng bata at di ito hinayaang magtrabaho pa

- At dahil sa nag-viral ang post, dinagsa pa ng tulong ang estudyante dahil na rin sa paghanga sa kanyang dedikasyon sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post tungkol sa isang Grade 5 student sa General Santos City na naglakas loob na mag-apply ng trabaho sa isang opisina.

Ayon sa viral post ni Chriszel Vicente, nagprisinta daw ang batang si Kervy James Villarejo ng Jose Catolico Sr. Elementary School na maging tagalinis ng Charter Ping An Insurance Corporation sa GenSan.

Nalaman ng KAMI na kusang loob ito na nag-apply sa kadahilanang kailangan niya ng pera para sa kanyang proyekto sa paaralan.

Humanga ang mga taga-opisina dahil sa pinakitang pagsusumikap ng bata. Napag-alaman din nilang single mother na ang ina nito kaya naman nais din daw tulungan ni Kervy ang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dala ng awa at pagkamangha sa bata, binigay na lamang ng opisina ang halagang kailangan ni Kervy para sa proyekto.

Ngunit dahil sa nag-viral ang post, maraming netizens ang nagpabatid ng tulong sa estudyante.

Nabanggit din kasi nitong nais niyang maging piloto kaya naman marami ang nagnais na maabot ni Kervy ang kanyang pangarap.

Dahil dito, lubos na nagpapasalamat si Kervy sa mga natanggap na tulong at nangakong sisipagan pa lalo niya ang kanyang pag-aaral hanggang siya ay makapagtapos.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel