OFW na bitbit ang alagang bata habang nagluluto, hinangaan ng mga netizens

OFW na bitbit ang alagang bata habang nagluluto, hinangaan ng mga netizens

- Tampok sa social media ngayon ang video kung saan makikita ang paghihirap ng isang overseas Filipino worker (OFW)

- Makikita sa video ang sabay-sabay na gawain ng isang Pinay na nagpapakahirap sa ibang bansa

- Habang naghihiwa ng mga kailangan sa lulutuin, karga-karga sa likod ng Pinay ang kanyang alagang bata

- Samantala, napabilib naman ang mga netizens sa kasipigan na ipinamalas ng Pilipina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang video sa social media, ipinamalas ng isang Pilipina ang hirap ng isang pagiging overseas Filipino worker (OFW).

Nalaman ng KAMI na tila nagpapakahirap ang Pinay na pagsabayin ang mga gawain niya sa bahay.

Makikita sa video na ibinahagi ng Facebook page na PROUD OFW na habang nakasuot ang baby carrier sa kanya at bitbit ang alaga niyang bata, naghihiwa rin ito para sa lulutuin niya.

Kahit na may karga siyang bata, hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ang mga kailangan niyang gawin sa bahay.

“OFW madali lang bigkasin pero likod niya ay di basta bastang lungkot hirap at pagod ang narasan ng isang OFW,” sabi nito sa caption.

“Kaya kayong nasa Pilipinas maawa naman kayo pag pinadalhan kayo ng pera pls.... po huwag naman one day millionaire one month mantiner,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, napabilib at namangha naman ang mga netizens sa pagiging masipag ng Pinay sa ibang bansa. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Proud to be OFW”
“proud to be..yan ang ofw madiskarte..magandang post yan hindi katulad ng iba dyan katulong lng din nagmamaGanda pa at nambubush sa kapwa..”
“Mtalino tlaga ang pilipina na dh mgaling gmawa NG pra an sa bhay proud na ofw q....”
“Hirap tlga buhay ofw..”
“Saludo ako sayo kabayan nlhat ng hirap kinakaya”
“Ang galing mo kabayan”
“Hirap talaga buhay ofw kala ng iba madali”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Second Time Dad, Confused Liza Soberano And More– on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel