Lolo sa viral video na namumulot ng bigas na kumalat sa kalsada, dinagsa ng tulong
- Nag-viral ang lolo na namumulot ng bigas sa kalsada na tinulungan ng grupo ng mga kabataan
- Nakilala ang mga estudyante na miyembro pala ng basketball girls ng Altavaz National High School sa Kalibo
- Dahil sa viral video, marami ang nagparating ng tulong kay lolo na may nakakadurog ng puso na kalagayan
- Kaya pala pilit na pinupulot niya ang mga bigas, walang makakain ang kanyang misis at anak na pawang mga paralisado na
- Siya at isa pang anak na lalaki ang bumubuhay sa kanilang pamilya
- Natulungan ang pamilya sa pamamagitan ng Energy FM sa Kalibo at nabigyan pa ng kaunting pangnegosyo si lolo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naluha sa viral video ni lolo Dominador Nading Serrano na nakuha habang nagpupulot siya ng bigas at tinutulungan siya ng basketball girls mula sa Altavaz National High School sa Kalibo.
Dahil dito, marami ang nagpaabot ng tulong sa matanda sa tulong na rin ng Energy FM sa kanilang lugar na siyang sumubaybay sa kwento ni lolo.
Nalaman ng KAMI na kaya naman ganun na lamang ang pagpupulot ng matanda ng nabitawan niyang supot ng bigas ay dahil wala siyang maipapakain sa asawa at anak na paralisado na.
Kaya naman kahit kita na ang kahinaan ng lolo, pilit siyang nagbebenta ng gabi upang may makain ang kanilang pamilya. Tumutulong din naman ang isa pa niyang anak.
Binisita ng news anchor na si Archie Hilario ng nasabing istasyon ang tahanan ni Lolo Dominador. Doon nila nakita ang kalagayan ng asawa at isang anak nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dinalhan din nila ito ng mga pagkain para sa araw-araw at pera upang may magamit sila para sa munting negosyo.
Binilhan din nila ng cake at mga pagkain mula sa Jollibee ang pamilya ng Lolo Dominador.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe ang mga estudyanteng tumulong sa matanda. Naging emosyonal ito at malaki ang pasalamat niya sa mga batang ito.
Bibigyan din ng paaralan ng pagkilala ang mga estudyante dahil sa kabutihang pinakita nila kay Lolo Dominador.
Narito ang kabuuan ng video:
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh