Mga estudyanteng tinulungan ang lolo na nahulugan ng bitbit na bigas, hinangaan
- Viral ang video ng mga kabataang tumulong sa lolo na nahulugan ng isang supot na bigas
- Nagtitinda ng gulay ang 83-anyos na lolo upang may pambili ng bigas
- Di nagdalawang isip ang mga estudyante na tulungan ang lolo di lamang sa pagpupulot ng bigas, nag-ambagan din sila upang bilhan muli ito ng bigas
- Umani ng papuri ang mga kabataang ito dahil sa kabutihang pinakita sa lolo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena sa social media ang kabutihang pinakita ng mga estudyante sa isang lolo na nahulugan ng bitbit na bigas.
Binahagi ng Energy FM Kalibo ang video kung saan makikitang tumutulong ang ilang kabataan sa pagpulot ng bigas na nahulog na sa kalsada.
Nalaman ng KAMI na 83-anyos na pala ang lolo na nagtitinda ng gulay upang may makain.
Kaya naman nang nabitawan at tumapon ang bigas, pinupulot niya ito dahil wala silang kakainin.
Nang makita naman siya ng mga estudyante, nakipulot na rin ang mga ito.
HIndi lamang iyon, bumili na rin muli sila ng bigas upang masiguro na marami-rami pa rin ang makakain ng matanda.
Nag-ambagan ang mga ito upang maibili muli ng bigas ang lolo.
Dahil dito, hinangaan ang mga estudyanteng ito na dapat lamang daw na pamarisan ng mga kapwa nila estudyante.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
"Good example para sa mga kabataan. Nakaka tuwa napakabuti ng mga batang ito. God bless you mga hijo at hija."
"God bless you all Manga Bata ang bait ninyo nakkaiyak namak ito c Lolo tinulungan nang Manga Batang mag aaral"
"Kung ako ay magulang nitong mga batang ito, sobrang proud ako..."
" Nakaka proud ang mga estudyanteng may ginintuang pusong tumulong.God bless you all kiddos"
" Nakaka proud ang mga estudyanteng may ginintuang pusong tumulong.God bless you all kiddos"
"Kudos sa mga parents ng mga batang e2.. good job mga student God bless.."
"Proud ako sa inyou mga anak. Sa ginawa ninyong pag malasakit sa matatanda. God bless you mga anak..."
Umani na ng nasa 2,000 positibong reaksyon ang viral post.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh