Canadian, kinansela ang cruise tour para mag-donate sa 1 ospital sa Pinas

Canadian, kinansela ang cruise tour para mag-donate sa 1 ospital sa Pinas

- Ipinagpalit ng isang Canadian ang kanyang nakaplanong world cruise tour para magbigay ng P1.2M na halaga ng kagamitan sa isang ospital sa Pilipinas

- Minsan kasing bumisita ang Canadian sa Pinas nang magbakasyon ito sa Palawan

- Ngunit habang nasa bakasyon ay nasangkot ito sa isang aksidente at napunta sa isang ospital sa nasabing bayan

- Anito, bilang ganti sa natanggap na pag-aasikaso at pagtulong ng ilang lokal na mamamayan ay naisipan nito ang pagtulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakatakda nang magretiro ang Canadian na si John Abou-Samra bilang isang bus driver sa Canada.

Kaya naman naisipan niyang regaluhan ang sarili ng isang 111-day world cruise tour.

Ngunit ang planong bakasyon ay kinansela ni Samra upang mag-donate sa isang ospital sa Pilipinas.

Kwento nito, nagbakasyon daw siya sa bansa at binisita ang Coron, Palawan. Ngunit nasangkot naman siya sa isang aksidente.

Anito, nasa Kayangan Lake in Coron Town daw ito nang magkaroon ito ng injury dahil sa kinasangkutang aksidente.

“I asked someone to take a picture of me, and then after she took picture, I moved to this side to sit down. While I moved, two of this wood, they split, and my right leg sank between them up to my hip. Until now I still have the pain,” anito sa isang panayam.

Agad naman itong tinulungan ng mga lokal na mamamayan at nilapatan ng first aid.

Inakala ni Samra na maayos na siya ngunit kinabukasan ay napansin daw nito na tila mas lumala ang kanyang mga natamong pinsala kaya pumunta na siya isang ospital sa nasabing bayan.

Agad naman daw siyang inasikaso sa ospital at pinayuhan ng doktor na si Dr. Edgar Flores kung paano pagalingin ang kanyang mga natamong injury.

"Two nurses took care of me the way I could not imagine, plus in the half an hour I stayed in the hospital, I heard the word 'sir' more than 25 times. Even when I was wearing something very casual; I looked like a homeless person, they never stopped calling me sir," sabi pa nito.

Habang naroon daw si Samra ay napansin nito ang mahirap na sitwasyon sa ospital at nalamang maraming kagamitan doon ang kulang o kaya naman ay wala.

Kaya naman para makaganti sa kabutihang loob na ipinamalas sa kanya ng mga tao roon ay naisipan niyang mag-donate sa ospital.

Ayon sa isang artiluko ng The News Spy, nag-donate si Samra ng mga kagamitan sa Coron District Hospital katulad ng ECG machine, oxygen gauge, stethoscopes, a centrifuge at defibrillator.

Umabot sa P1.2 million ang naibigay ni Samra sa ospital na personal pa nitong pinuntahan.

“If you give them the means, they can work miracles,” anito. "I like to make a difference."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel