5-anyos na bata, nasawi matapos mabilaukan sa kinaing biskwit

5-anyos na bata, nasawi matapos mabilaukan sa kinaing biskwit

- Nasawi ang isang 5-anyos na bata sa Negros matapos itong mabilaukan sa kinaing wafer bisciut

- Naghahanda raw ang mga magulang ng bata ng kanilang hapunan nang mangyari ang insidente

- Naiwan naman ang bata at ang isang kapatid nito na nanonood ng TV

- Sinubukan pang iligtas ang bata ng kanyang ina at ng mga rumespondeng awtoridad ngunit bigo ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang isang 5-anyos na bata sa Negros Occidental nito lamang Martes ng gabi matapos mabilaukan sa kinaing wafer biscuit.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, naghahanda raw ng kanilang hapunan ang mga magulang ng bata sa kanilang bahay sa Barangay Gil Montilla, Sipalay City at naiwan ang bata na kumakain ng nasabing biskwit nang mangyari ang insidente.

Base naman sa ulat ng ABS-CBN News, nanonood daw ng TV ang bata kasama ang isa nitong kapatid nang bigla na lang itong nagtatalon at nahirapang huminga.

Sabi ni Dionilo Bogtae, executive assistant for public safety sa lugar, sinusubukan pang iligtas ng ina ang bata nang rumesponde sila sa tawag.

Ani Bogtae, sinubukan din nilang bigyan ng first aid at cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang bata ngunit hindi na ito gumagalaw.

Dinala pa ito sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival.

Nabubulunan ang isang tao kapag mayroong bumara sa airway nito na nagiging sanhi ng hirap na paghinga.

Mas delikado ito para sa mga bata o sanggol dahil:

- hindi pa nila gamay ang pagkontrol sa mga pagkain sa kanilang bibig;

- wala pa silang molar teeth para manguya ng mabuti ang mga pagkaing nginunguya;

- maliit ang kanilang airway; at

- madalas na isubo nila ang mga maliliit na bagay dahil sa kanilang curiosity.

Kapag mayroong nabulunan, importanteng maging kalmado at agad na saklolohan ang biktima.

Importanteng malaman kung baradong-barado ba ang lalamunan ng biktima. Mayroon lamang apat hanggang anim na minuto para mailigtas ang buhay nito.

Importante rin na panatilihing gising ang taong nabulunan.

Ilan sa mga sintomas nito ay: hawak ng biktima ang kanyang leeg, hindi ito makapagsalita o umubo nang malakas, at nangingitim ang kulay ng balat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel