Misis na ipinagpalit daw ni mister, nawindang sa dahilan ng pambababae nito

Misis na ipinagpalit daw ni mister, nawindang sa dahilan ng pambababae nito

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang isang misis dahil sa pambabae ng mister

- 30 taon na silang kasal ngunit pansin daw ng misis ang tindi ng pambababae nito

- 22 taong gulang ang kinakasama ngayon ng lalaki na 53-anyos na

- Paliwanag ng mister, nagawa lamang daw niyang ipagpalit ang misis dahil sa di raw siya nito pinahihiram ng mga gamit lalo na ang "sabon"

- Katwiran naman ni misis, marami raw skin allergies ang mister at ayaw niyang mahawa raw siya rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na kinaya ng misis na si Olive Remondavia ang panloloko umano sa kanya ng kanyang mister na nagagawang lokohin siya kaya dumulog na ito sa programa ni Raffy Tulfo.

Inireklamo niya ang kanyang mister na si Carlito na mayroon nang kinakasama na 22-anyos lamang.

30 taon nang nagsasama ang dalawa at napansin daw ng misis na may pagkababaero nga ito.

Hiningan ng paliwanag ni Tulfo si Carlito kung ano ang dahilan niya ng pambababae.

Nilahad nitong hindi raw siya pinahihiram ng sabon ng kanyang misis. Paliwanag naman ng misis, mayroon daw skin allergies ang kanyang mister.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayaw lamang daw mahawa ng babae sa mister kaya naman di niya ito pinagagamit ng kanyang sabon.

Maging ang ilang kagamitan daw nila sa bahay at pinagdadamot din sa kanya ng manyang misis.

Samantala, bumwelta rin naman ang misis at sinabing bukod sa pamabababae, may bisyo pa pala itong pag-iinom at madalas na pagtaya sa lotto.

Tila di rin tinanggap ni Idol Raffy ang dahilan ng mister dahil masyado raw itong mababaw.

Payo pa ni Tulfo na magkaayos na lamang ang dalawa, Ngunit tila nagmatigas pa ito at pilit na ibinabalik ang sisi sa kanyang misis.

Narito ang kabuuan ng video:

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel