Grade 8 student na nagsusulat ng notes sa dahon ng saging, nais tulungan ng mga netizens

Grade 8 student na nagsusulat ng notes sa dahon ng saging, nais tulungan ng mga netizens

- Nag-viral ang post ng isang guro tungkol sa estudyante niyang nagsusulat ng notes sa dahon ng saging

- Napansin daw ng guro na hindi sa notebook nagsusulat ang binatilyo kundi sa dahon

- Wala raw trabaho ang ina ng estudyante at di naman sapat ang kita ng ama kaya hirap daw silang makabili ng mga gamit sa eskwela

- Dahil sa viral post, dumagsa ang mga nais tumulong sa Grade 8 student na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng guro na si Arcilyn Balbin Azarcon tungkol sa isa niyang estudyante na si Erlande Monter ng Lianga National Comprehensive School.

Binahagi ng guro sa kanyang Facebook ang larawan ni Erlande na nagsusulat lamang sa dahon ng saging.

Nalaman ng KAMI na guro sa Math ni Erlande si Teacher Arcilyn kaya napansin nitong nagsusulat ng notes ang Grade 8 student sa dahon ng saging.

Wala raw pambili ng ibang school supplies ang binatilyo dala ng kahirapan.

Kwento ng ina ni Erlande, di raw talaga sumasapat ang kita ng kanyang asawa sa kanilang pamilya. Katunayan, pag mayroon lamang na sumosobra sa sahod nito, saka lamang sila nagkaka-ulam.

Samantala, nais lamang daw na ipakita ng guro na di lahat ng estudyante ngayon ay mayroon lahat ng bagay na kanilang kailangan lalo na ang mga pagkuha ng notes na madalas ay cellphone na ang gamit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Erlande, wala siya maski papel ngunit nagtiyaga siyang magsulat kahit sa dahon ng saging dahil lamang sa kagustuhang makapag-aral.

Nais niya kasing maging sundalo balang aral upang makatulong sa kanyang pamilya. Ito ang inspirasyon niya kaya naman kahit salat sa maraming bagay, pumapasok pa rin siya sa eskwela.

Dahil sa viral post, marami nang netizens ang nais magpaabot ng tulong sa binatilyo.

Ang mismong guro ni Erlande ay nagbigay ng bag at school supplies sa estudyante bilang panimulang tulong dito.

Mayroon na ring may mabuting kalooban sa kanilang lugar na sasagot sa allowance ni Erlande sa araw-araw.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Online view pixel