Bata, nakigamit ng gadget at internet sa 1 tindahan para mag-aral

Bata, nakigamit ng gadget at internet sa 1 tindahan para mag-aral

-Marami ang humanga sa batang naispatan na nakikigamit ng gadget at internet sa loob ng isang tindahan ng mga gadgets

-Ayon sa uploader, dumiskarte lang ang bata para makapag-aral gamit ang internet sa tindahan

-Wala raw kasi itong magamit na gadget sa kanilang bahay at wala rin daw silang internet sa bahay

-Ang mga netizens, hindi naiwasang mahabag sa sitwasyon nito ngunit marami rin ang humanga sa abilidad nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang humanga sa abilidad ng isang bata na naispatan na nakikigamit ng tablet sa isang tindahan ng mga gadgets.

Viral na ngayon sa social media ang video na in-upload ng netizen na si Fran Rusti kung saan makikita ang bata habang abalang-abala sa loob ng tindahan.

Ayon sa caption ni Rusti, nakikigamit ng tablet ang bata at ng internet sa tindahan para makapag-aral.

Wala raw kasi itong magagamit na cellphone at internet sa kanilang bahay.

"Habang nasa mall ang isang netizen nakita niya ang bata sa loob ng Samsung na nag susulat at ginagamit yung sample phone nila sa store,tinanong niya ang bata anong ginagawa.

"Nakiki internet at nakikigamit pala ng phone/Tablet sa loob ng Samsung store para maka gawa ng home work niya dahil wala daw silang internet sa bahay at mga gadget na makapag internet. Sana matulungan ka. Good job boy."

Marami ang nahabag ang sa sitwasyon nito ngunit marami rin ang humanga sa diskarte nito para sa pag-aaral.

Sadyang kahanga-hanga ang batang ito na sa kabila ng hirap ay nakahanap pa rin ng paraan upang matulungan ang sarili na makasabay sa mabilis na pagbabago ng buhay ngayon.

"good job boy sna may makatulong sau..."

"God bless you boy."

"Godbliss sa may ari ng samsung nakaunawa sa bata. Boy tuloy mo lang pg aaral mo balang araw makamit mo lahat ng gosto mo."

"Resourceful."

"Yan ang batang dapat pagtuunan ng pansin ng magulang."

"Gnyan na bata Ang maganda gastusan .,madisiarte sya sa murang edad."

"wow ka inspired ang mga ganyang tao."

"Resourceful n bata. Wlang mahirap sa gustong mag aral. Na aircon n naka internet pa. Gud job kid."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel