Idol Raffy, duda sa totoong dahilan ng 1 OFW na biglang nakipaghiwalay sa mister

Idol Raffy, duda sa totoong dahilan ng 1 OFW na biglang nakipaghiwalay sa mister

- Sa kabila ng pangungumbinsi ni idol Raffy sa isang OFW na huwag nang makipaghiwalay sa kinakasama nito, ay hindi nagtagumpay si idol

- Unang lumapit ang OFW sa programa ni idol Raffy para humingi ng tulong na makuha ang mga anak nito mula sa kinakasama

- Ayaw na raw kasi nitong makisama pa rito dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya

- Ngunit para kay Tulfo at sa maraming netizens, mababaw lamang ang idinadahilan ni misis para wasakin nito ang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng mga pakiusap at pangungumbinsi ni Raffy Tulfo sa OFW na si Rizalyn Manuel na humingi ng tulong sa kanyang programa, ay bigo pa rin si idol na ayusin ang gusot nito at ng kinakasama na si Renante Deacosta.

Una nang naiulat ng KAMI nang humingi ng tulong si Manuel sa programa ni Tulfo para makuha ang mga anak mula kay Deacosta.

Dito napag-alaman na gustong makipaghiwalay ni Manuel sa kinakasama dahil nagsinungaling daw ito at hindi sinabing kasal na pala ito sa iba.

Inamin naman ng lalaki na hindi niya nasabi ang totoo kay Manuel ngunit matagal na raw silang hiwalay ng unang pinakasalan at mayroon na rin itong ibang pamilya.

Ngunit nagmatigas na talaga si Manuel at sinabing pinal na ang kanyang desisyon na makipaghiwalay kay Deacosta.

Nanindigan ito na ang pagsisinungaling lang nito ang dahilan ng pagkawala ng kanyang pagmamahal sa lalaki.

Subalit marami ang duda sa totoong dahilan ng pakikipaghiwalay nito kabilang na si idol Raffy.

Tila hindi ito kumbinsido na walang ibang lalaking namamagitan sa dalawa.

Makailang-beses pa nga nitong sinubukan na paaminin si Manuel kung may iba na itong boyfriend ngunit nanindigan naman ito na wala talaga.

Ganunpaman, sa huli ay pumayag naman ito na umuwi sa bahay nila ni Deacosta sa Laguna para makasama ang mga anak.

Ngunit mariin nitong iginiit na para na lamang sa mga bata kung kaya siya pumayag at hindi sila magsasama bilang mag-asawa.

Samantala, pinayuhan na lamang ni idol Raffy si Deacosta na suyuin muli nito si Manuel habang sila ay magkasama sa iisang bubong.

Ngunit hindi nito maaaring ipilit pa ang sarili sa babae lalo pa nagmatigas na talaga ito na ayaw na nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel