Lalaking viral dahil sa pagsabit sa jeep at inakalang magnanakaw, rumesbak lang

Lalaking viral dahil sa pagsabit sa jeep at inakalang magnanakaw, rumesbak lang

- Mabilis na nagviral ang isang lalaki na nakuhanan ng video habang nakasabit sa jeep sa Maynila

- Marami talagang netizens ang nag-akala na magnanakaw ang lalaki at nanghahablot sa mga pasahero sa jeep

- Ngunit paglilinaw naman ng lalaki, hindi siya magnanakaw at tinulungan lamang ang kaibigan

- Anito, hinipuan ng isang taxi driver ang misis ng kaibigan nito kaya naman hinabol nila ito hanggang sa sumakay ito sa jeep

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nagviral sa social media ang isang lalaki na naaktuhan at nakuhanan pa ng video habang nakasabit sa isang jeep sa Maynila nitong Linggo.

Marami talaga ang mga nag-akala na magnanakaw ang lalaki at nanghahablot sa jeep.

Ngunit mariin itong itinanggi ng lalaki na kinilalang si Jomar Alingod na lumutang para linawin ang totoong nangyari.

Paglilinaw ni Alingod, hindi siya magnanakaw. Tinulungan lamang niya ang kaibigan.

“Tinulungan ko lang kaibigan ko, hinipuan asawa niya. Nanlaban kasi ‘yung lalaki kaya ko tinutulungan,” anito base sa ulat ng GMA News.

Ayon sa salaysay ng kaibigan nitong si Edison Manalo Binucas, hinipuan ng isang taxi driver ang misis nito kaya naman hinabol nila ang driver hanggang sa sumakay nga ito sa jeep.

Hindi man nakita sa video ngunit nasa loob daw ng jeep si Binucas at ginugulpi ang taxi driver.

“Sinapak din ako nung ano, tinatanong ko lang ba’t niya hinipuan asawa ko. Nagtangka siyang umalis, hinabol namin hanggang sumakay siya ng jeep,” ani Binucas.

Kinilala naman ang taxi driver na si Leonides Frago, 52-anyos, na umamin naman na may kasalanan at humingi na ng pasensya.

Sa huli nagkaayos naman ang dalawang panig at nagbayad na lamang si Frago ng P700 sa mga naagrabyado nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel