Mister, inaming nagpaalam sa kanya ang misis na isasama ang kabit sa bahay nila

Mister, inaming nagpaalam sa kanya ang misis na isasama ang kabit sa bahay nila

- Hindi napigilan ng marami sa mga studio audience ng "Wowowin" ang maiyak sa istorya ng isa sa mga contestant ng programa

- Inamin kasi nito na minsang nagpaalam sa kanya ang dating asawa na isasama sa kanilang bahay ang lalaking ipinalit nito sa kanya

- Ayon sa kwento ng contestant, OFW dati ang ex at doon ito nakahanap ng kanyang kapalit

- Masakit man daw, wala siyang magawa kung 'di tanggapin ang kanilang sitwasyon para sa mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos ang luha sa studio ng Wowowin nang marinig ang istorya ng isa sa mga contestant na single father.

Ayon sa kwento ni Marjon, nagkahiwalay sila ng dating asawa dahil sa ibang lalaki.

OFW daw ang kanyang dating misis nang bigla na lamang itong manlamig sa kanya.

Sinubukan pa nga raw na umamin ng ex sa kanya habang nasa ibang bansa ito ngunit kinalaunan ay nadiskubre na lang niya na mayroon na nga itong iba.

Minsan pa nga raw na isinama ng kanyang ex ang kabit nito at nagawa pang magpaalam sa kanya.

Sabi ni Marjon ay wala siyang ibang magawa dahil gusto itong makita ng kanilang mga anak.

Siya pa raw ang mismong nagpapasok sa lalaki na noong una ay hindi raw pumapasok sa loob ng kanilang tahanan.

Ani Marjon, nagawa niyang tanggapin ang kanilang sitwasyon alang-alang sa kanilang mga anak.

Itinataguyod niyang mag-isa ang mga bata at nangakong pagtatapusin ito ng pag-aaral.

Maging si kuya Wil ay hindi napigilang malungkot para kay Marjon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel