Pasado siya! Midwife, napaanak 3 oras bago magsimula ang board exams

Pasado siya! Midwife, napaanak 3 oras bago magsimula ang board exams

- Binahagi ng isang midwife ang kwento kung paano niya naigapang ang kanyang board exams gayung kabuwanan na niya ng panganganak

- Dalawang araw ang kanilang board exams at sa pangalawang araw, napaanak na siya tatlong oras bago ang pagsusulit

- Maayos niyang nailabas ang malusog na anak at nakakuha pa rin siya ng exams

- Wala na lalo siyang pagsidlan ng kaligayahan na sa kabila ng mga pinagdaanan niyang ito, isa pa siya sa 1,608 na mga nakapasa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang pinagdaanan ng midwife na si Dolly Bardon mula Sta. Elena, Camarines Norte na isa sa 1,608 na nakapasa sa Midwifery Board exams na ginanap ngayong Nobyembre.

Ayon sa ABS-CBN news, kabado raw talaga si Dolly dahil alam niyang maari siyang manganak anumang oras bago ang board exams.

Nalaman ng KAMI na dalawang araw pala ang pagsusulit at sa ikalawang araw, napaanak si Dolly tatlong oras bago ito magsagot ng test.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pasado siya! Midwife, napaanak 3 oras bago magsimula ang board exams

source: Mylce Mella
Source: Facebook

Maayos na nailabas ang malusog na bata at nakakuha pa rin ng pagsusulit si Dolly.

Laking pasalamat niya sa Diyos at nailabas niya ang kanyang anak ng maayos at may oras pa siya para tapusin ang exams.

Sinundo pa siya ng namumuno sa Review center at habang nagsasagot ng pagsusulit si Dolly, salitan ang mga naroon upang alagaan ang kanyang bagong panganak na sanggol.

Dahil dito, pinangalan niya ang kanyang baby boy sa mga nagturo sa kanila sa Review center dahil sa di malilimutang pangyayari.

Sulit naman lahat ng kanilang sakripisyo dahil sa naipasa ito ni Dolly at isa na ngayon siyang lisensyadong midwife.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Online view pixel