Post ng isang guro tungkol sa "pagyayabang" at "pinaghihirapan", sinang-ayunan ng marami
- Agaw eksena ang isang tila pangaral na post tungkol sa "pagyayabang" at "pinaghihirapan"
- Tila marami ang tinamaan ng post na ito na nangyayari o nararamdaman nga naman ng netizen sa ilang mga post
- Sapul daw ito sa realidad na hindi nga naman lahat ng ibinabahagi sa sosial media ay pagyayabang at ang ilan pa nga ay selebrasyon sa bagay na kanilang pinaghirapan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ang post ng isang Senior High School Teacher sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina na si Paul Pascual.
Nalaman ng KAMI na bagaman at walang larawan ang post, mabilis itong nakaagaw ng atensyon dahil sa "makatotohan" nitong mensahe patungkol sa pagbabahagi sa social media.
Di kasi maiiwasan na isipin ng ilan na "nagyayabang" lamang ang mga nagbabahagi ng mga mamahaling pagkain, gamit, at maging mga magagandang lugar na kanilang pinuntahan.
Nilinaw ni Sir Paul na hindi lahat ng ito ay pagyayabang na dahil sa halaga o layo nito. Ang ilan daw ay pinag-ipunan at pinaghirapan pa nga. May ilan din na selebrasyon lamang ito o pagbibigay gantimpala sa sarili paminsan-minsan na nararapat lamang naman talagang gawin.
Ayon sa pa guro, huwag naman daw sanang umiral din ang inggit na dahil nagagawa ng iba ay pagmamayabang na agad ito. Mayroon tayong kanya-kanyang mga buhay na dapat lamang i-enjoy at gawing masaya.
Magsilbing aral ito lalo na sa ngayon na social media na ang iniikutan ng nasa 40% ng buhay natin araw-araw. Manatiling positibo sa pananaw sa buhay lalo na sa kapwa at tiyak na babalik din ang kabutihang ito nang higit pa sa ating inaasahan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang viral post ni Sir Paul:
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh