Pogi ni kuya! Lalaking di umano'y nakabuntis ng 3 babae sabay-sabay, pinaghahanap

Pogi ni kuya! Lalaking di umano'y nakabuntis ng 3 babae sabay-sabay, pinaghahanap

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Rachelle Familaran, ang isa sa 3 tatlong babae na di umano'y nabuntis ni Sherlito Dorado

- Bukod kasi sa di na ito nagparamdam, nag-iwan pa ito ng mga obligasyon kay Rachelle

- Nalaman din ni Rachelle na di lamang siya naging nobya nito mula sa dating site kung saan sila nagkakilala

- Ang isa sa mga babae pa nga raw ay na-stress dahil sa kalokohan ng lalaki habang ang isa naman ay halos kasabayan ni Rachelle na magbuntis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na kinaya pa ni Rachelle Familaran ang di umano'y panloloko sa kanya ng dating nobyo na si Sherlito Dorado kaya naman humingi na siya ng tulong kay Raffy Tulfo.

May title ang episode na "Buntiserong lalaki, tinutugis ng maraming babae" dahil di lamang pala isa si Rachelle sa naging babae ni Sherlito.

Reklamo ni Rachelle, ilang buwan na siyang walang komunikasyon sa lalaki gayung nagkaroon sila ng isang anak.

Ang masaklap pa nito, bukod sa tinakbuhan na nito ang kanyang responsibilidad bilang ama, nag-iwan pa ito ng bayarin sa babae.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naka-ride daw di umano ito sa credit card ni Rachelle para makabili ng relo at iba pang luho.

Nalaman rin ni Rachelle na mayroon pa siyang kasabay na magbuntis na ang ama rin ay si Sherlito.

Ang malala, may lumitaw pang isang babae na nagpakilalang nobya rin ng 'buntisero' at sinabing nakunan pa nga siya dala ng matinding stress sa lalaki.

Nangako ang programa ni Tulfo na matulungan si Rachelle upang mabigyan ng leksyon ang manlolokong lalaki na ito.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel