Magnanakaw, sandamakmak ang nakulimbat at nailagay sa suot na damit

Magnanakaw, sandamakmak ang nakulimbat at nailagay sa suot na damit

- Sapul sa CCTV ang pangkakapkap ng isang lady guard sa babaeng nahuli sa pagnanakaw

- Para raw magician ang lady guard dahil sa mga kinukuha nitong items na naisilid ng babae sa kanyang damit

- Halos mapuno ang isang basket sa dami ng mutikan nang makulimbat ng babae

- May kasabwat din itong lalaki na marahil daw ay lookout nito dahil wala naman itong naisilid na anumang gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng lady guard ng isang grocery store kung saan nahuli ang isang babae na magnanakaw.

Binahagi muli ito ng netizen na si Brandon Aguila Delin ang video na nagpapakita ng paglalabas ng mga gamit na naisilid ng babae sa kanyang damit.

Malalaking bote ng shampoo, malalaking de lata at malaking bag ng gatas ang ilan sa nakulimbat ng babae.

Halos mapuno na ang basket ng grocery sa mga nakuha sa katawan ng babae.

Parang magic na nailalabas ng lady guard ang mga gamit dahil halos di kapani-paniwala na nagkasya ito sa katawan ng babae at kung paano niya ito nagawang isilid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May kasama rin umano itong lalaki na marahil daw ay lookout lamang nito. Wala kasing nakuhang ni isang gamit mula sa lalaki.

Sa caption pa ng post, tila ba'y real life Doraemon ang babae. Isang cartoon character ito na may kakayahang magsilid o magtago ng maraming gamit sa kanyang katawan.

Samantala, magsilbing babala raw ito sa publiko dahil maaring marami pa ang gumagawa nito.

Mayroon nang 16,000 reactions ang post, 3.6 comments at nai-share na rin ito ng halos 50,000 na beses.

Narito ang kabuuan ng video.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel