Video ng unang pagkikita ng mag-jowang nasa LDR, halos 2 million views na

Video ng unang pagkikita ng mag-jowang nasa LDR, halos 2 million views na

- Viral ang video ng unang pagkikita ng magkasintahang sina Jay Escobar at Rhei Plasencia

- Dalawang taong nasa long distance relationship ang dalawa kaya naman kinunan talaga nila ng video ang unang beses na sila ay nagkita

- Halo-halong emosyon ang makikita at madarama sa video kung saan maraming netizens ang naka-relate

- Kaya naman di raw kataka-takang umabot ng halos 2 million views ang viral video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video na binahagi ng netizen na si Jay Escobar kung saan pinakita niya ang nakakakilig na unang beses na pagkikita nila ng kanyang kasintahang si Rhei Plasencia.

May caption ang post ni Jay na "When you meet someone for the first time, that’s not the whole book. That’s just the first page, the happiest moment I’ve ever felt"

Nangibabaw ang labis na kilig na bakas sa mukha ng magkasintahan.

Nalaman ng KAMI na nasa isang long distance relationship pala ang dalawa sa loob ng dalawang taon.

Kaya naman mapapansin din na tila nagkakahiyaan pa ang dalawa sa umpisa.

Sa loob kasi ng dalawang taong iyon, tawag, text at video call lamang ang itinakbo ng kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit ngayong sila ay magkasama na, kapansin-pansin ang pagmahahal nila sa isa't isa.

OFW si Jay sa Japan kaya naman natagalan silang nagkita sa personal ni Rhei.

Subalit sulit naman ang paghihintay nila sa pagkakataong ito na mababakas sa kanilang mga ngiti at yakap nang makapiling ang isa't isa.

Tunay nga naman kung ang dalawang tao ay may tapat at totoong pag-ibig, handa itong maghintay sa tamang panahon at pagkakataon.

Narito ang kabuuan ng nakakakilig na video nina Jay at Rhei:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel