Mga tatay na kasama tumambay ang mga anak, kinaaliwan ng mga netizens

Mga tatay na kasama tumambay ang mga anak, kinaaliwan ng mga netizens

- Trending sa social media ngayon ang mga nakatambay na lalaki sa kalsada

- Naging tampok sila online dahil kasama nila ang kanilang mga anak habang tumatambay

- Makikita nga sa litrato na may bata pang nasa stroller at mayroon ding pinapainom pa ng gatas

- Aliw na aliw din ang mga netizens sa kakaibang pagtambay ng mga tatay sa labas at tila parang naging baliktad na raw ang panahon ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang mga magkakaibigang lalaki na nakatambay sa labas ng bahay.

Nalaman ng KAMI na habang nakatambay ang mga ito, dala-dala nila ang mga anak nila.

Makikita nga sa Facebook post ng netizen na si Jellyann Roque na nagpapadede pa ang isang tatay sa anak niya habang nakatambay sila.

“Mga iniwan ng asawa haha charoooot! Ganyan dpat kapag tatambay isasama anak,” sabi nito sa kanyang caption.

Kita rin sa litrato ang baby na nakasakay pa sa kanyang stroller at may maliit na electric fan pa na nakatutok pa sa bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naaliw naman ang mga netizens sa pagsama ng mga tatay sa mga anak nila. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

"Baliktad na talaga panahon ngayon”
“tropa goals”
“Pogi ng mga asawang lalaki kpag ganito ! DAGDAG POGI POINTS KAY MISIS ! HAHA”
“Ang cute nila tig'nan..!!”
“kung tambay asawa ko, ganyan na din sya”
“Sana all nag babantay ng anak HAHAHAHA! Di yung magaling lang sa barkada.”
“ganda din pala tignan!!”
“Sarap kaya tumambay kasama anak. Ang cute naman ng baby. Cute siguro tatay nyan”
“GANTO DAPAT PAG PUPUNTA SA TROPA! HAHAHAHAHA PARA NAMAN MAY SILBI YANG PAG TAMBAY TAMBAY NIYO"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sarah G. and Matteo Are Finally Engaged – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel