Tricycle driver na may kapansanan, puring-puri ng mga netizens ang kasipagan sa paghahanapbuhay

Tricycle driver na may kapansanan, puring-puri ng mga netizens ang kasipagan sa paghahanapbuhay

- Tampok sa social media ngayon ang isang tricycle driver na patuloy ang paghahanapbuhay kahit may kapansanan ito

- Kahit na may kalagayan ang driver, araw-araw pa rin itong nagsisikap upang kumita ng pera

- Ayon sa netizen, umaga pa lang ay labis na ang pagkakayod sa buhay ng tricycle driver

- Maging ang ibang mga netizens ay natuwa at namangha sa pagpupursigi sa buhay ng driver na may kapansanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang tricycle driver ang pinuri ng mga netizens dahil sa kasipagan nitong maghanapbuhay.

Nalaman ng KAMI na kahit may kalagayan ang tricycle driver, nagsisikap pa rin ito magtrabaho araw-araw.

Ibinahagi ng Facebook page na Bring It On ang mga litrato ng driver na taga-Misamis Oriental.

“Ito dapat ang pinagviviral, si kuya kahit may kapansanan o disability ay kumakayod para ma tustusan ang pangangaylangan nya sa araw-araw at para may ipakain sa pamilya,” giit nito sa caption.

“Kaninang umaga, sa kanya ako naka sakay habang papunta ako sa skwela. Bakas sa kanyang mukha ang pag poporsigi para makakita ng pera. Umaga palang ay kumakayod na, di ko nakuha ang pangalan nya pero taga medina misamis oriental po sya,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, namangha naman ang mga netizens sa pagpupursigi ng tricycle driver sa buhay. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Aq amigo,silingan,kogihan ug buotan I'm so Proud of u with love. God Bless”
“saludo ako sa mga kagaya nya.. nagsisikap nagbabanat ng buto pra kumita ng pera at hindi naglalakad nakasahod ang kamay para humihingi sa iba..”
“Salute to this man ..”
“Salamat sa ng viral para makita ng marami kong paano niya binuhay ang kanyang pamilya niya kahit ganyan xa. Pero sa awa ng panginoong dios gabayan xa palagi sa araw2x,,, i salute u brother amping kanunay love ka namin mg kakapatid...”
“I salute you sir, Maraming pagpapala na naghihintay sayo, Godbless and have a good health para sa pamilya mo “
“Sya ang dapat tularan.”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sarah G. and Matteo Are Finally Engaged – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel