21-anyos na babae, di na nagising matapos magreklamo ng pananakit ng ulo

21-anyos na babae, di na nagising matapos magreklamo ng pananakit ng ulo

- Di na muling nagising ang isang 21-anyos na babaeng nagreklamo lamang ng pananakit ng ulo

- Uminom naman daw ang babae ng dalawang paracetamol bago ito matulog ngunit kinaumagahan, di na ito gumagalaw

- Labis na nagulat ang kanyang pamilya sa nangyari at di matanggap ang biglaang pagkawala ng dalaga

- Ayon sa isinagawang imbestigasyon, meningitis ang ikinamatay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 21-anyos na babae sa England ang di na muling magising matapos lamang magreklmao ng pananakit ng ulo

Ayon sa Yahoo News, nakilala ang babae na si Jessica Cain na nagawa pang uminom ng dalawang paracetamol bago ito natulog.

Kwento ng ina ni Jessica, nabanggit ng kanyang anak ang pananakit ng ulo at pagkahilo.

Nang makainom naman ng nasabing gamot at tubig, nakatulog naman ito.

Subalit hindi na raw ito kumikibo at di na rin humihinga kinabukasan.

Agad na rumesponde ang mga paramedics ngunit sa kasamanag palad, di na nila ito marevive.

21-anyos na babae, di na nagising matapos magreklamo ng pananakit ng ulo

source: Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos di makapaniwala ang pamilya ni Jessica sa biglaan nitong pagkawala.

Samantala, lumabas sa pagsusuri sa bangkay ni Jessica na meningococcal meningitis and septicaemia ang ikinamatay nito.

Isa itong uri ng bacteria kung saan naapaektuhan ang daluyan ng dugo ng isang tao patungo sa utak nito. At dahil sa komplikasyon, ito ang sanhi ng pagkamatay ng dalaga.

Nabanggit ng ina na kagagaling lamang ng kanyang anak sa isa ilang bahagi ng bansa dala ng hilig nito sa pagta-travel.

Maging babala ang pangyayaring ito sa publiko lalo na at pangkaraniwan lamang ang mga sintomas nito tulad ng pagsusuka, pananakit ng ulo at pagkahilo.

Upang makaiwas sa ganitong pangyayari, agad na kumunsulta sa eksperto kung nakakaramdam ng mga nabanggit na sintomas.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel