Magsasakang mag-isang umaani, tinulungan ng 5 pulis sa Abra

Magsasakang mag-isang umaani, tinulungan ng 5 pulis sa Abra

- Umani ng papuri ang limang alagad ng batas matapos na i-post sa social media ang kanilang pagtulong sa isang magsasaka

- Nagpapatrol daw ang limang pulis mula sa Abra nang makita ng mga ito ang babaeng magsasaka na mag-isang umaani

- Dahil dito, mabilis na kumilos ang mga ito at agad na tinulungan ang magsasaka

- Ayon sa ulat, paraan daw ito ng mga pulis para makihalubilo sa mga residente sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng maraming papuri ang limang alagad ng batas matapos na maipost sa social media ang kanilang pagtulong sa isang magsasaka.

Sa Facebook page ng Pidigan Municipal Police Station, makikita pa ang mga ito na binalewala ang napakatinding init ng araw habang tinutulungang umani ang isang babaeng magsasaka.

Sa isang ulat ng Kicker Daily, sinabing nagpapatrol ang limang pulis na pinamumunuan ni PCPT Facundo B. Guinsad nang makita ang magsasaka na mag-isang umaani.

Dahil dito, agad na kumilos si Guinsad at kanyang mga kasama para tulungan ito.

Marami ang natuwa at humanga sa limang pulis dahil sa kanilang walang pag-aalinlangang pagtulong sa magsasaka kahit pa nga hindi naman ito sakop ng kanilang trabaho.

Sabi pa sa ulat, ang kanilang ginawang pagtulong sa magsasaka ay isa sa kanilang paraan upang makihalubilo sa mga residente roon.

"Good job mga sirs! Your act of gallantry and selflessness in helping nanang is a true heroism Salute!!"

"Continue the good works kuya, mabuhay PNP Pidigan."

"Humanity at its best...my snappy salute to you sirs! May God be with you always."

"Saludo ako sa inyo mga Sirs PNP Pidigan Mabuhay kayo."

"Snappy salute to these uniformed men who has gone beyond the bounds of their duties. Setting an example to many how to serve the community.. Godbless."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel