8-year-old girl genuis, papasok na ng college para makamit ang pangarap maging astronaut

8-year-old girl genuis, papasok na ng college para makamit ang pangarap maging astronaut

- Isang batang babae ang kinilala bilang henyo dahil sa taas ng kanyang IQ

- Mas mataas pa ang IQ ng 8 anyos bata kaysa kay Albert Einstein at Stephen Hawking

- Ngayon ay tapos na sa high school ang batang babae at naghahanda na para sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo

- Plano ng bata na mag-aral ng astrophysics upang tuparin ang kanyang pangarap na maging astronaut

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang batang babae sa Mexico ang hinangaan ng marami dahil sa kanyang pagiging henyo.

Nalaman ng KAMI na sa edad na 8, naghahanda na pumasok sa kolehiyo si Adhara Perez.

Ayon sa ulat ng Inquirer (awtor Cha Lino), mas mataas pa ang intelligence quotient (IQ) ni Adhara na 162 kumpara kina Albert Einstein at Stephen Hawking na 160.

Sa ngayon, naghahanda na si Adhara upang mag-aral ng kursong astrophysics sa Estados Unidos upang makamit ang pangarap niyang maging astronaut.

Bago nalaman na isang genius si Adhara, siya ay na-diagnose ng Asperger’s syndrome na nakaapekto sa kanyang pakikisalamuha sa ibang mga tao.

Sa edad na 5, natapos na ni Adhara ang elementarya. Samantala, grumaduate rin siya ng middle school noong 6 years old siya. Ngayong 8 anyos siya, opisyal na niyang natapos ang high school.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyang nag-aaral si Adhara online ng kursong industrial engineering in mathematics sa Universidad Tecnológica de México (UNITEC) at systems engineering sa ilalim ng Comprehensive National Cybersecurity Initiative (CNCI).

Ayon sa People, nagsulat ng libro si Adhara na may pamagat na “Do Not Give Up. Isa rin si Adhara sa kinilalang 100 Most Powerful Women ng Forbes Mexico.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sarah G. and Matteo Are Finally Engaged – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)