"Mag-anak na ipis", nadiskubre sa loob ng tenga ng isang lalaki

"Mag-anak na ipis", nadiskubre sa loob ng tenga ng isang lalaki

- Kagimbal-gimbal ang nadiskubre sa loob ng tenga ng isang 24-anyos na lalaki matapos makita ang isang "pamilya" ng ipis sa loob nito

- Una muna raw nadiskubre ang "padre de pamilya" nito ng pamilya ng lalaki

- At nang madala ito sa ospital, nakita pa ang ilang maliliit na ipis na anak daw nito at maging ang nanay ng mga ipis

- Ayon sa ulat, posibleng naging dahilan para "pamahayan" ng ipis ang tenga ng lalaki ang pangit na habit nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kagimbal-gimbal ang nadiskubre sa kanang tenga ng isang 24-anyos na lalaki sa China na nakitaan ng isang "mag-anak na ipis" sa loob nito.

Sa ulat ng Inquirer, sinabing idinaing ng lalaki ang pananakit ng kanyang tenga at doon na nga nadiskubre ang isang malaking ipis.

Nakita ito ng kaanak ng lalaki ng ilawan ng mga ito ang tenga nito.

Nang dalhin naman ito sa ospital ay doon na nadiskubre na mayroon pa palang maliliit na ipis ang nasa loob ng tenga nito, ayon mismo sa espesyalistang si Zhong Yijin.

“They were already running around,” sabi pa raw ni Yijin.

Si Dr. Yijin mismo ang nag-alis ng mga maliliit na ipis kabilang na ang bahagyang mas malaki sa mga ito na nanay raw ng mga ipis.

Napag-alaman pa ng KAMI na ang mga ipis na nakita sa tenga ng lalaki ay kabilang sa German cockroach species na Blattella germanica.

Matapos ang isinagawang procedure ay nagtamo ng minor injuries sa canal ng kanang tenga ang lalaki at niresetahan ng ointment para rito.

Sabi sa ulat, sinabi ng ilang tumingin sa lalaki na na-attrack ang ipis dahil sa pangit na habit ng lalaki.

Madalas daw kasi na nag-iiwan ito ng mga 'di naubos na pagkain malapit sa kama nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel