"Convo" ng amo at kanyang alagang aso, kinagiliwan sa social media

"Convo" ng amo at kanyang alagang aso, kinagiliwan sa social media

- Isang netizen ang nagbahagi ng "conversation" ng kanyang tatay at ng paborito nitong aspin

- Ayon sa netizen, hindi niya sinasadyang marinig ang pakikipag-usap ng ama sa paborito nitong alaga

- Napag-alaman kasi na napagalitan ang aso ng kanilang kasambahay nang pumunta ito sa kanilang kusina

- Biro pa ng netizen, tila "na-hurt" daw talaga ang kanayang tatay sa nangyari sa aspin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral na sa social media ang tweet ng isang netizen tungkol sa "conversation" ng kanyang tatay at ng paborito nitong aso.

Sa Twitter post ng medical student na si Shainna Suello, ibinahagi nito ang naging "usapan" ng kanyang tatay at ng alaga nilang aso na si Nickoy.

“For eight years you’ve given me joy. Ayaw jud sugot kasaban ka ha? Ayaw sugot gina pagawas sa kusina. Maypag siya mugawas. Love tika ha?"

(Do not allow her to scold you. Do not allow her to tell you to leave the kitchen. It would be best if she leaves. Remember that I love you.)

Sa isang report ng CDN, napag-alaman ni Suello na nasigawan ng kanilang kasambahay si Nickoy nang tangkain daw nito na abutin ang pagkain na nakalagay sa ibabaw ng mesa.

Biro pa ni Suello, "na-hurt" daw talaga ang kanyang tatay.

“My father loves dogs. I was raised in a household filled with dogs, we have 10 dogs and this particular dog, Nickoy, has a special place in my dad’s heart,” anito.

“Every dinner, Nickoy always comes inside our kitchen, he never reaches out for food he just likes the feeling of being with the family,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel