Yaya na tumangay kay Baby Taylor, na-inquest na

Yaya na tumangay kay Baby Taylor, na-inquest na

- Sa wakas ay na-inquest na ang yayang tumangay kay Baby Taylor

- Kasama din ang live-in partner ng yaya na kinasuhan dahil sa pagkokonsente nito kay Kristine Joy Salik

- Nanindigan ang mga magulang ng bata na itutuloy nila ang kaso para mabigyan ng leksyon ang suspek kahit pa lumuhod ito upang humingi ng tawad

- Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa pagtangay sa sanggol nitong November 13

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay na-inquest na si Kristine Joy Salik, ang yayang tumangay kay Baby Taylor sa Taguig. Napasama na din na nakasuhan ang live-in partner nitong si Edvil Villaflor dahil sa pagkukunsinti nito sa ginawa ni Kristine.

Sa katunayan, bumili pa diumano ito ng gamit ng bata na nangangahulugan lamang na alam niya ang ginawa ng kanyang live-in partner ngunit hindi niya pinabalik ang bata.

Matatandaang sumuko si Kristine sa programa ni Raffy Tulfo. Nagpatago ito sa pangalang "Minda" at nagtakip ng mukha kagaya ng ilang mga inirereklamo sa nasabing programa.

Katwiran ni Kristine, wala siyang balak na masama sa bata at kukuha lamang daw siya ng padala kaya isinama ang bata. Natakot lamang daw siya dahil biglang nag-post ang ina ng bata na kinidnap niya ang sanggol.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lumuhod sa paghihingi ng tawad si Salik sa mga magulang. Gayunpaman, tila hindi kumbinsido ang mag-asawang sina Princess Perrin at Eric Victoriano sa kanyang paliwanag.

Nanindigan ang mag-asawang itutuloy nila ang kaso. Nagpasalamat naman ang ina ng bata sa mga netizens na isa sa naging susi para maibalik ang kanilang anak.

Ang kidnapping ay isang kasong non-bailable. Matatandaang nag-viral sa Facebook ang paghingi ng tulong ng mga magulang ni Baby Taylor upang matunton ang kinaroroonan ni Kristine Joy Salik.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

When the news broke that Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo were engaged, netizens went wild and were excited for their idols. Learn more about this on Kami's video on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel