Jane de Leon, pinasilip ang kanyang training para sa pagiging "Darna"

Jane de Leon, pinasilip ang kanyang training para sa pagiging "Darna"

- Ibinahagi ni Jane de Leon ang video ng kanyang pagwo-workout bilang bahagi ng kanyang training sa pagganap niya bilang Darna

- Siya ay sumailalim sa training sa personal trainer at celebrity coach na si Culver Padilla

- Ayon sa kanya sa naunang panayam kakailanganin niyang mag-weightlifting upang kahit papaano ay magkaroon ng muscles

- Si Jane de Leon ang napiling gumanap bilang Darna matapos bitawan ni Liza Soberano ang nasabing proyekto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinasilip ni Jane de Leon ang pagsisimula ng kanyang training sa kanyang mga followers. Ito ay para sa paghahanda sa kanyang pagganap bilang Darna.

Sa isang Instagram post nitong November 17, ibinahagi ng aktres ang kanyang video sa gym kasama ang personal trainer at celebrity coach na si Culver Padilla.

"Starting today mag-uupload na ako ng mga trainings ko," saad niya sa caption ng kanyang Instagram post.

Hyper-extensions ang kanyang ginagawa sa kanyang ibinahaging video. Ito ay para mapatibay ang lower back.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang panayam kay Jane ibinahagi niyang kailangan niyang mag-weightlifting para madagdagan ang kanyang timbang at magkaroon ng well-toned na muscles.

Sa naunang ulat, umani ng reaksiyon mula sa netizens ang viral na production number ni Jane.

Si Jane De Leon ay ipinanganak noong November 22, 1998 sa bayan ng Laguna. Siya ay si Jane Florence Benitez De Leon sa totoong buhay. Sumikat siya matapos mapili na gaganap bilang Darna (2020) matapos bitawan ni Liza Soberano ang proyekto. Kasama din siya sa mga pelikulang Ex with Benefits (2015) atWalwal (2018).

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

When the news broke that Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo were engaged, netizens went wild and were excited for their idols. Learn more about this on Kami's video on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel