Dating janitor sa Comelec, inspirasyon na ng marami sa pagiging ganap na abogado
- Binahagi ng isang dating janitor ng Comelec na isa nang ganap na abogado ang kanyang kwento ng tagumpay
- Emosyonal niyang ikinuwento kung paano niya iginapang ang kanyang pag-aaral kasabay ng pagtatrabaho
- Nakadagdag pa sa hirap na dinaranas ang pagkakalayo niya sa kanyang pamilya na nasa Bicol
- Unang take pa lamang niya ng Bar exams, pasado na agad siya
- Sinabi niyang maaring maputol ang "cycle" ng kahirapan kung magsusumikap lang at huwag iisiping mahirap basta't samahan lang daw ng tiwala sa Diyos
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakaka-inspire ang kwento ng tagumpay ng dating janitor ng Comelec na si Ramil Comendador.
Binalikan ng Rappler ang panayam nila noon sa emosyonal na si Ramil na kapapasa lamang sa Bar exams taong 2017.
Nalaman ng KAMI na inakala ni Ramil na di siya nakapasa sa 2016 Bar exams dahil di niya nakita ang kanyang pangalan na lumabas sa screen.
Ngunit nang makakuha na siya ng kopya ng opisyal na listahan ng mga Bar passers, di na niya napigilang maluha sa sobrang saya.
Kwento ni Ramil, iginapang niya ang kanyang pag-aaral ng Law sa Universidad de Manila sa loob ng limang taon.
Ito ay habang naninilbihan din siya bilang janitor sa Malabon Commission on Elections.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakadagdag pa sa sakripisyo niya ang pagkakawalay sa pamilya na nasa Bicol.
Hindi naging madali para kay Ramil na abutin ang tinamasa niyang tagumpay ngayon. Ni hindi nga raw siya bumibili ng damit para lamang masigurado na mayroon siyang pambayad ng kanyang tuition.
Napakalaking biyaya din na unang take pa lamang niya, pasado na agad siya.
Kaya naman payo niya sa mga tulad niya na aminadong hirap sa buhay: "Gusto ko lang pong sabihin sa kanila na kaya po nating putulin ang cycle ng kahirapan, magsumikap lang. Huwag isiping mahirap, sige lang at kumapit sa panginoon."
Narito ang kabuuan ng video ni Ramil na kuha sa mismong announcement ng Bar passers noong 2017.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh