Mayor Isko Moreno, pinuntahan ang abusadong drayber na nangaladkad ng traffic enforcer

Mayor Isko Moreno, pinuntahan ang abusadong drayber na nangaladkad ng traffic enforcer

- Pinuntahan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang abusadong drayber na nangaladkad ng traffic enforcer sa piitan

- Pinagsabihan niya at sinermonan ng todo ang driver na nakilalang si Orlando Ricardo Jr. ng Quezon City

- Hinimok din ni Mayor Isko ang Land Transportation Office na i-revoke ang driver's license ng suspect

- Pinuri naman niya ang traffic enforcer sa pinakita niyang katapatan sa kanyang trabaho kahit malagay pa ang buhay sa panganib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinuntahan ni Manila City Mayor Isko Moreno sa piitan ang abusadong drayber na nangaladkad ng traffic enforcer. Magsasampa diumano ng kaso ang gobyerno laban sa SUV driver na kinilalang si Orlando Ricardo Jr. ng Quezon City.

Sinubukan takasan ni Ricardo ang multa na P500 matapos nitong lumabag sa batas trapiko.

"May criminal mind eh, may criminal intent eh. Nakita ko winasiwas niya," sabi ni Moreno.

"Mas mahal pa ibabayad niya sa abogado niya. Pero sa P500 kaya niyang pumatay ng isang enforcer," dagdag pa ng Mayor ng Lungsod ng Maynila.

Ipinahayag din ni Yorme na proud siya sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer na si Adrian Lim.

"Itong mga MTPB maliit ang sweldo nito. Bagamat maliit ang sweldo nila, gusto nilang baguhin ang imahe nila. Naawa ako. 'Yung kapit niya, hindi na kapit para hulihin siya eh, 'yun 'yung kapit para iligtas niya ang sarili niya," paglalahad ng alkalde.

Ayon pa kay Sta. Cruz Police Station Commander Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, sinuntok pa ni Ricardo si Lim ng dalawang beses.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, pinabulaanan ito ng suspect.

"Hindi ko sinuntok, sir. Hawak-hawak niya 'yung upuan ko. Parang nag-blankout lang ako. 'Di ho ako tumira. Nagulat lang po ako," dipensa ni Ricardo.

Sa naunang ulat, marami ang humanga sa isang MMDA enforcer na patuloy pa rin sa paglilingkod sa kabila ng pagkakaroon ng epilepsy.

POPULAR: Read more viral stories here

Si Isko Moreno o Francisco Moreno Domagoso sa totoong buhay ay dating aktor na ngayon ay Alkalde ng lungsod ng Maynila. Siya ang ika-dalawampu't-pitong alkalde ng nasabing lungsod at dating Vice Mayor.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

When the news broke that Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo were engaged, netizens went wild and were excited for their idols. Learn more about this on Kami's video on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel