Grab Food man na PWD, hinangaan sa kanyang dedikasyon at kasipagan sa trabaho

Grab Food man na PWD, hinangaan sa kanyang dedikasyon at kasipagan sa trabaho

- Viral ang larawan ng isang PWD na nagawang pa ring magtrabaho bilang Grab Food delivery man

- Hinangaan ito dahil kahit pa isa sa kanyang binti at artificial leg na lamang, nagawa pa rin nitong maghanap-buhay

- Humanga rin ang mga netizens sa Grab dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa PWD na magkaroon pa rin ng trabaho sa kabila ng kanyang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang PWD na Grab Food man ang nakapukaw ng atensyon ng netizens sa isang viral post.

Binahagi ng Facebook page na Connextaxi ang larawan ng Grab Food man na artificial na lang ang isang binti.

Nalaman ng KAMI na umani ito ng papuri online dahil sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagawa pa rin nitong maghanap-buhay.

May caption ang post na "If u think u r having a hard time, look at this warrior.. as long u r still alive, make urself worthy.. u don have to be a millionaire, u juz need a healthy body with no sickness attached.. kudos to this warrior."

Napansin din ng ilang netizens na hindi madali ang ginagawa nito lalo pa at bisikleta ang kanyang gamit sa pagdedeliver gayung nakakabit na lamang naman ang isa niyang binti.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito may ilang nag-alala sa kalagayan ng PWD na ito dahil bukod sa nakakapagod ang pagbibisikleta, mas mahirap pa ito lalo na sa kanyang kalagayan.

Samantala, saludo rin naman ang ilan sa Grab dahil sa pinahintulutan pa rin nilang magtrabaho ang tulad ng Grab Food Man na ito. Nagtiwala pa rin daw kasi ang Grab na magagampanan pa rin ng empleyado nilang ito ang kanyang tungkulin sa kabila ng kanyang kalagayan.

Tunay namang nakakabilib ang lalaking ito na ginamit pa rin ang kanyang kalakasan at di ang kanyang kahinaan upang ipagpatuloy pa rin ang hamon ng buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel