OFW sa Taiwan, nakapagpatayo na ng bahay sa Pinas sa loob lamang ng isang taon

OFW sa Taiwan, nakapagpatayo na ng bahay sa Pinas sa loob lamang ng isang taon

- Umabot na sa mahigit 4 million ang views ng video ng Pinay OFW sa Taiwan na nakapagpundar na ng sariling bahay dito sa Pilipinas

- Sa loob lamang ng halos isang taon, patapos na ang kanilang bahay na nasalanta pa ng bagyong Yolanda noong 2012

- Aminadong hirap sila sa buhay ngunit masaya naman ang malaki nilang pamilya

- Kaya naman nagdesisyon siyang mangibang bansa upang makatulong sa mga mahal sa buhay

- Nagsimula lamang siya sa ₱60,000 na budget ngunit malaking bagay na na ang kanya mismong mga kaanak at kapatid ang mga gumagawa kaya napapabilis ang pagtatayo nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib sa Pinay OFW na nakapagpundar agad ng bahay dito sa Pilipinas sa loob lamang ng halos isang taon niyang paninilbihan sa Taiwan.

Binahagi ng Tulfo report ang video na umabot na sa mahigit 4 million views sa dami ng mga na-inspire sa kwento ng OFW.

Nalaman ng KAMI na ang simpleng bahay ng Pinay na ito ay nasalanta pa ng malakas na bagyong Yolanda noong 2012.

Makikitang malaki ang pinsala ng bagyo sa kanilang tahanan kaya naman tagpi-tagpi na halos ito.

Ngunit, sa kabila ng pagsubok na ito sa kanilang pamilya, masaya pa rin naman daw silang naninirahan doon.

Iyon nga lang, naisip pa rin ng Pinay na mangibang bansa upang makatikim din naman ng kaginhawahan ang kanyang mga mahal sa buhay.

2018 nang siya'y lumipad patungong Taiwan. Maayos ang naging trabahao niya roon kung saan unti-unti siyang nakaipon agad ng pera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman wala pang isang taon, napasimulan na niya ang pagpapagawa ng kanilang bahay sa halagang ₱60,000 na budget.

Malaking bagay na halos materyales lang muna ang pinagkagastusan ng pera dahil ang mga gumagawa naman ng kanilang bahay ay kanyang mga kapatid at kaanak.

Makikita sa video na masayang gumagawa ang mga kamag-anak ng OFW kaya naman mabilis at maayos na naitatayo ang kanilang tahanan.

Hindi pa man daw ito tapos, pero kitang-kita na ang malaking pagbabago rito.

Umaasa siyang matatapos din ang kanilang tahanan sa lalong madaling panahon sa tulong na rin ng kanyang napangasawang laging nakasuporta sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel