59-anyos na nabundol ng kagawad sa Bulacan, nagreklamo sa kapabayaan nito

59-anyos na nabundol ng kagawad sa Bulacan, nagreklamo sa kapabayaan nito

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang 59-anyos na ina mula Bulacan na nabundol ng tricycle

- Minamaneho ito ng kagawad ng kanilang barangay na di raw siya nabigyan ng kauukulang pansin

- Nagtamo ng malaking pasa sa binti ang matanda, ngunit sa bahay lang siya dinala ng kagawad at di sa pagamutan

- Tila hindi tin tinanggap ni Tulfo ang mga paliwanag ng kagawad ay nilarawan pang pang-grade one kung ito ay mangatwiran

- Inakusahan pa ng kagawad ang pamilya ng matanda na namemera lamang gayung ang ina pala nito ang nanghihiram sa nabundol niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 59-anyos na matanda ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa di umano'y kapabayaan ng kagawad ng kanilang barangay na nakabundol sa kanya.

Sa episode ng Wanted sa Radyo noong Nobyembre 15, sinamahan si Nanay Jelly De Leon ng kanyang mga anak na sina Jane at Ely upang ireklamo ang kagawad ng Barangay Matimbubong sa San Idelfonso, Bulacan na si Carlo Varilla.

Nagpaunlak din naman ang kagawad na naroon din sa programa. Sinamahan pa ito ng kanilang Barangay chairwoman na si Baby Manzon.

Nalaman ng KAMI na nagmamaneho raw noon ng tricycle ang kagawad nang mabundol nito si Nanay Jelly.

Masama ang loob ng matanda gayundin ng mga anak nito dahil sa kapabayaang ginawa di umano ng kagawad.

Imbis kasi na idiretso nito ang nabundol sa pagamutan, dinala na lamang ito sa bahay at ang masaklap, hinayaan pa itong nakahandusay lamang sa kanilang gate.

Ang mga anak ni Nanay Jelly na sina Jane at Ely ang nag-asikaso sa ina upang madala agad sa ospital.

Kwento pa ng isa sa mga anak ng nabundol, nakuha pang sisihin ng kagawad ang ina sa nangyari gayung hilong-hilo na ito sa ospital.

Ang masaklap, ni hindi manlang daw ito humingi ng dispensa na animo'y pinalalabas pa na ang matanda ang may kasalanan sa nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Tulfo ay natawa na lamang sa katwiran ni Kagawad Carlo kung saan pinalalabas nitong ang matanda pa ang nakabundol sa kanya.

Para raw "pang-grade one" lamang ang katwirang ito lalo pa at may kalakihan ang pasa sa binti ng matanda.

Nabasa rin ni Tulfo ang nais palabasin ng kagawad na nais lamang mamera ng pamilya ng nabundol.

Natawa na lamang dito ang mag-iina dahil sa ang ina pala ni Kagawad Carlo ang siyang nangungutang ng pera kay Nanay Jelly. Katunayan, di pa raw ito bayad.

Hindi pa roon natapos ang usapan lalo pa at maraming mga pahayag pa ang naglalabasan.

Bago matapos ang episode, pinakitang humihingi na ng dispensa ang kagawad sa kanyang nabangga ngunit di pa binahagi kung ito'y napatawad o hindi.

Narito ang kabuuan ng episode:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel