'Blind Runner man', nagwagi na ng napakaraming medalya sa loob at labas ng bansa

'Blind Runner man', nagwagi na ng napakaraming medalya sa loob at labas ng bansa

- Binahagi ni Aga Casidsid ang nakamamangha niyang buhay bilang atleta kahit pa siya ay walang paningin

- Aminadong minsan na raw nawalan ng pag-asa si Aga dahil sa kanyang kalagayan

- Nagbago ang lahat nang makilala niya si Coach Gado na siyang humikayat sa kanya upang tumakbo

- Dahil sa dedikasyon niya sa larangang ito na kanya raw "pangalawang buhay," nanalo na siya sa iba't ibang paligsahan sa pagtakbo sa loob at labas ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang kakaibang kwento ng buhay ni Mark Joseph Casidsid o mas kilala sa tawag na Aga na isang bulag na mananakbo.

Sa programang Brigada, nilahad ng 35-anyos na si Aga ang tinatawag niyang "pangalawang buhay" na kanyang naramdaman sa pagtakbo.

Nalaman ng KAMI na premature baby pala si Mark Joseph dahilan para tawagin siyang "Aga."

At dahil napaaga nga ang kanyang paglabas, nagkaroon ito ng ilang komplikasyon.

Bata pa lamang ay napapansin na nilang unti-unti nang lumalabo ang paningin nito.

Hanggang sa noong 19 taong gulang na siya, tuluyan na itong nawala.

Napakasakit daw nito para kay Aga na aminadong nawalan na ng pag-asa sa buhay.

Dumating pa nga raw sa puntong gusto na niyang kitilin ang sariling buhay ngunit nagbago ang lahat ng ito nang makilala si Edgardo "Gado" Pelingo, ang coach na naghikayat sa kanyang tumakbo.

Doon nagbago ang takbo ng buhay ni Aga sa tulong ng matiyaga niyang trainer na si Gado.

Sa tulong ng lubid, nagsisilbing gabay ito ni Aga upang magamay ang track na kanyang tinatakbo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Parang nabuhay daw muli si Aga lalo pa at nananalo siya ng iba't ibang patimpalak sa takbuhan sa loob at labas ng bansa.

Malaking bagay din na suportado siya ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang inang si Judith.

Sa takot na baka may di magandang mangyari kay Aga, ayaw sana siyang payagan noon ng ina.

Ngunit dahil alam niyang ito ang nararapat at nakikitang masaya ang anak sa ginagawa, hinayaan nila ito at patuloy na sinuportahan.

Patunay lamang na ang kapansanan ay hindi kailanman hadlang upang gawin ang nais sa buhay.

Ayon pa nga kay Aga, "differently abled" daw sila kung tawagin. Nakakaya naman daw kasi nilang mamuhay sa kabila ng kawalan ng paningin ngunit nagagawa pa rin nila ito ng tama.

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire na kwento ni Aga sa panayam sa kanya ni Lala Roque:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel