Ivana Alawi, nabikitima ng prank ng kapatid na si Mona

Ivana Alawi, nabikitima ng prank ng kapatid na si Mona

- Hindi nakalampas sa isang prank ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi

- Mismong kapatid niyang 15-anyos na si Mona Louis Rey ang nambiktima sa kanya

- Kasabwat ni Mona ang isang fan ng Facebook Page ng kanyang ate pati na rin ang kanilang ina

- Humingi naman ng dispensa si Ivana matapos niyang sungitan ang lalaking kausap ng kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabiktima si Ivana Alawi ng isang prank. Mismong ang kapatid nitong si Mona Louise Rey ang nagplano kung paano isasagawa ang prank para sa kanyang ate.

Nauna na niyang kinausap ang isang top fan sa Facebook Page ng kanyang ate. Magkukunwari silang nagkakamabutihan.

Hindi lingid sa mga tagasubaybay ni Ivana kung gaano siya ka protective sa kanyang 15-anyos na kapatid.

Maari lamang daw magkaroon ng boyfriend si Mona kapag tumuntong siya ng edad na 18. Kaya naman, napagplanuhan ni Mona na yun ang gagawing prank sa kanyang ate.

Nagalit si Ivana sa kapatid at nagbantang hindi na siya kakausapin kung hindi nito ibo-block ang lalaki. Nag-walk out din ito at pumasok na sa kwarto.

Dahil hindi matiis ni Mona na magalit ang kanyang ate, sinundan niya ito at ipinaalam na prank lang daw ang lahat ng iyon.

Tinawagan naman ni Ivana ang lalaking naging kasabwat ni Mona at humingi ng dispensa matapos niya itong sungitan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Humanga ang netizens sa pagiging protective ate nito sa kanyang kapatid.

Sa naunang ulat, sinurpresa ni Ivana ang kapatid na si Mona sa kanyang vlog at dinaan din ito sa isang prank.

Si Mona Louise Rey ay nakilala bilang isang child star sa GMA. Siya ang gumanap na Jennifer Montereal sa teleseryeng Munting Heredera.

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa StarStruck. Lumipat siya sa Kapamilya Network at napabilang sa mga teleseryeng FPJ's Ang Probinsiyano, Mea Culpa, at Sino ang may Sala?

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

When the news broke that Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo were engaged, netizens went wild and were excited for their idols. Learn more about this on Kami's video on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel